Sa loob ng mahigit 40 taon, ang Kompanya ng Mesa ay gumagawa na ng mga espesyal na haluang metal kapuwa para sa mga dental at industriyal na sektor.

Sa panahong iyon, unti-unting binago ng Mesa ang kayarian nito, mula sa isang maliit na pagawaan hanggang sa modernong kompanya nito sa kasalukuyan, na tagagawa ng kilala sa buong mundong mga haluang metal na “Magnum,” habang nananatiling isang negosyong pinatatakbo ng pamilya.
Ang katotohanang ito ang naging saligan para sa isang katangi-tanging kakayahang gumawa ng pagbabago kung kinakailangan, na nagpangyari sa Mesa na mabilis at mahusay na matugunan ang walang tigil sa pagbagong mga pangangailangan ng mga pamilihan.
Palaging isinasaalang-alang ng Mesa bilang pangunahing priyoridad ang kalusugan at kapakanan ng mga pasyente. Umaasa sa kasanayan nito at sa kakayahan nito sa pananaliksik at disenyo, ang kompanya ay gumagawa tangi lamang ng mga haluang metal na nakaaabot sa pinakamataas na mga katangian sa kalidad, kaligtasan at pagkamaaasahan.
Sa kasalukuyan, ang Mesa ay gumagawa ng mahigit sa 50 iba’t ibang mga uri ng haluang metal, na nahahati sa: mga haluang metal para sa seramik; mga haluang metal para sa mga partial at prosthesis; mga haluang metal para sa mga bridge at crown; mga haluang metal na gamit sa paghihinang; mga disc, blank (metal na may karaniwang hugis at anyo na nakahanda para sa iba’t ibang gamit) at bara para sa pagpoprosesong inaalalayan ng computer (computer-aided design o CAD/computer-aided manufacturing o CAM).

Bilang isang masusing tagagawa ng mga produktong biyomedikal, nakamit ng Mesa ang CE marking para sa mga haluang metal nito simula noong dekada ng 1990.

Bago ang pamamahagi sa mga pamilihan, dumaan muna ang lahat ng mga produkto sa matinding mga medikal na pagsubok gaya ng biocompatibility (kakayahang umakma sa anumang gamit sa katawan ng tao) at pagiging hindi kinakalawang.
Ginawang tiyak ng mga itinakdang matataas na pamantayan para sa bawat haluang metal ang proseso ng pagbili ng mga kagamitang panangkap. Ang mga pinakamahuhusay na makukuhang materyal lamang sa pamilihan ang isinasaalang-alang. Tumutulong ito sa Mesa na siguruhing lubusang walang beryllium, gallium at cadmium sa lahat ng mga produkto nito at walang Nikel doon sa mga produktong dapat na walang Nikel.
Ang pagtatakda at pagsulong ay ang mga target na patuluyang pinupuntirya o itinataguyod ng Mesa. Mahalagang idiin na ang mga makabuluhang pamumuhunan ay naisagawa na at na ang iba pang mga pamumuhunan ay patuloy na isasagawa sa hinaharap upang palaging makapagbigay ang Mesa ng mga bagong pagsubok at pagbabago sa bawat bagong pamantayan sa mga pandaigdig nitong pamilihan.
DOWNLOAD CATALOGUE