Ang kompanyang MESA ay mahigpit pagdating sa pagsunod ng mga pamantayan sa pagkamit ng mga pinakabagong sertipikasyong ISO, kaya ito ay pumasa sa mga pamantayang internasyonal sa pagkamit ng pinakamataas na antas pagdating sa seguridad, sa mga materyales at sa proseso ng paggawa.

Sapagka’t ang MESA ay gumagawa ng mga produktong biyomedikal, ang kompanya ay gumawa ng mga hakbang sa pagkamit ng markang CE para sa mga haluang metal at pagpapatupad ng mahigpit na pagsusuri para sa biyokompatibilita at katatagan sa pagkakalawang.

Ang mga produktong MESA ay walang halong beryllium, gallium, cadmium. Base sa pagtupad ng sangguniang pamantayan, isinisigurado nito ang kalidad ng mga produkto. Maaaring tuklasin sa ibaba ang mga dokumentong nagpapatunay ng mga resulta galing sa mga laboratoryo para sa isang haluang metal: Magnum Nitens. Ito ay nagpapakita ng isang malugod na risulta na ang Magnum Nitens ay may kakaonting pursyento lamang ng elementong lead.

Ang mga sumusunod ay pruweba sa pagsasaliksik na ginawa ng dalawang tinaguriang laboratoryo:

– MADE HSE S.r.l. Marcegaglia, a laboratory certified ISO 9001:2008 by the certifying body RINA, that is accredited by SINAL and by The Ministry of Health;

– LNE Laboratoire National de Métrologie et d’Essais, the analysis laboratory considered as a landmark in France.

Ang mga risultang nakamit ng dalawang laboratoryong ito ay nagpapatunay sa mataas na kalidad ng mga haluang metal ng MESA.

MGA SERTIPIKASYON

LINE ANALYSIS
MADE ANALYSIS
DOWNLOAD CERTIFICATIONS (TÜV SÜD)

FDA REGISTRATION

FDA Registered Facility
Owner Operator Number: 10044677

KOLABORASYON

universita-brescia
Ang kompanyang MESA ay nakikipagtulungan sa mga Unibersidad kagaya ng: Università degli Studi di Brescia Dipartamento di Odontoiatria. Makipag-ugnay sa amin